NADAKIP ng pulisya ang 32-anyos na tubero na sangkot sa serye ng mga pagnanakaw sa Mandaluyong City nang matunton ng pulisya sa tinutuluyang lugar Biyernes ng tanghali sa Caloocan City.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas nito lang Nobyembre 13, 2026 ng Metropolitan Trial Court (MeTC) Branch 60 ng Mandalyong City dahil sa 13-bilang na kasong theft, dinakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili si alyas “Bukol” alas-12:35 ng tanghali sa Barangay 176 Bagong Silang.
Ayon sa pulisya, naglaan ang korte ng kabuuang P110,000 na piyansa para sa pagsamantalang paglaya ng akusado na nasa talaan ng Most Wanted Person ng pulisya sa Mandaluyong City.
Ikinasa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoesa Section ng Caloocan Police ang manhunt operation laban kay alyas Bakaw nang matanggap ang impormasyon na sa naturang lungsod nanunuluyan ang akusado matapos takasan ang serye ng mga pagnanakaw sa Mandaluyong City.Pansamantala munang dinetine sa custodial facility ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police Station ang akusado habang hinihintay ang ilalabas na kautusan ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Mandaluyong City Jail (Edison de jesus)

