Nagpatupad ang CIDG Northern District Field Unit, kasama ang mga kinatawan ng may-ari ng trademark, sa pakikipagtulungan ng Bulacan Police Provincial Office, nng Search Warrant para sa paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) sa isang bodega na matatagpuan sa Brgy. Parulan, Plaridel, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ang operasyon ay nagresulta sa pag-aresto sa walong suspek, at pagkumpiska ng mga natapos na produkto ng sinasabing mga peke at lumalabag sa trademark na slimming coffee; mga hilaw na materyales, materyales sa pagbabalot, at kagamitan sa produksyon at paggawa – na tinatayang nagkakahalaga ng ₱6,100,000.00.

Sa ulat na isinumite kay CIDG Director, PMGeneral Robert AA Morico II, nakasaad na ang walong suspek na naaresto ay binubuo ng isang lalaking Tsino, limang Pilipino at dalawang Pilipina – pawang mga empleyado ng pasilidad.

Nahuli sila habang hawak at kontrolado ang umano ay nilabag na trademark na slimming coffee, at pinaghihinalaang gumagawa ng slimming coffee, nang walang pahintulot ng may-ari ng trademark.

Binigyang-diin ng CIDG Director na ang pangunahing layunin ng Republic Act No. 8293, na kilala rin bilang Intellectual Property Code of the Philippines, ay protektahan at pangalagaan ang eksklusibong karapatan ng mga siyentipiko, imbentor, artista, at iba pang mahuhusay na mamamayan sa kanilang intellectual property at mga likha, lalo na kung ito ay kapaki-pakinabang sa mga tao.

Dagadag pa ng opisyal na ang mga lumalabag sa trademark o pekeng produktong pagkain tulad ng slimming coffee ay maaaring lumampas sa mahigpit na pagsusuri ng mga regulatory body, ang mga ito ay maaaring may kasamang mga lubhang nakalalasong o ipinagbabawal na kemikal na sangkap upang mabilis na mawalan ng timbang – ang mga ito ay maaaring magdulot ng malubha at maraming aspeto na banta sa kalusugan ng publiko at kaligtasan ng mga mamimili.

Pinupuri ng pamunuan ng CIDG si PColonel John K Guiagui, ang Regional Chief ng CIDG National Capital Region Field Unit, at ang CIDG Northern District Field Unit na pinamumunuan ni PLt. Colonel Benedick S Poblete, sa paghuli sa umano ay pekeng slimming coffee, at pagpapahinto sa paggawa nito. (Danilo Gravador)

Share.