Isa ang anak ng kasalukuyang mayor ng isang bayan sa Iloilo ang kabilang sa listahan ng Most Wanted Fraudsters ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Nag-aalok ang mga awtoridad ng United States ng hanggang $150,000 pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto ni alyas Rey, anak ng isang  Mayor at asawang isa ring dating meyor.

Ayon sa FBI, tinatayang 2,000 investor ang naloko umano ng akuaso sa isang investment scheme, kabilang ang daan-daang biktima sa New Jersey.

Nahaharap siya sa ilang federal charges, kabilang ang securities fraud, wire fraud at conspiracy to defraud the US government kaugnay ng buwis.

Mayroon din umanong federal arrest warrant laban sa kanya mula Oktubre 12, 2022.

Nagbigay umano siya ng maling impormasyon tungkol sa halaga ng investment fund ng kumpanya upang makakuha ng ownership stakes sa mga real estate investment company.

Inakusahan din siyang nagtangkang umiwas sa tinatayang $26 milyon na tax. liabilities sa loob ng 15 taon. 

Share.
Exit mobile version