PALALAKASIN pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang School Security Measures matapos ang Metro Manila Summit.
Muling pinagtibay ng NCRPO ang commitment nito na higit pang palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng mga paaralan matapos ang matagumpay na 1st Metro Manila School Safety and Security Summit 2026.
Kasabay nito ang direktiba sa mga police unit na gawing tuloy-tuloy ang aksyon sa mga paaralan sa buong Metro Manila mula sa mga aral at rekomendasyong nakalap sa dalawang araw na pagtitipon.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano, natukoy sa isinagawang summit ang pangangailangan ng mas mahigpit na police visibiity para mapigilan ang ano mang banta bago pa ito mauwi sa seryosong insidente.
“The most important outcome of this summit is not the number of people who attended, but what we do after it. We now have a better understanding of the challenges facing our schools, and I am directing our units to translate these lessons into concrete preventive action,” ayon kay PBGen. Abrahano.
Inatasan ni NCRPO chief ang limang police district ng NCRPO na tukuyin ang mga paaralan sa kani-kanilang lugar na nangangailangan ng mas mahigpit na security coordination at magtatag ng direktang linya ng komunikasyon sa mga school administrator at itinalagang safety personnel.
Inaasahan ding regular na makikipag-ugnayan ang mga police commander sa mga school authority at hindi lamang kikilos kapag may naganap nang insidente.
“In a school emergency, the first few minutes can make a difference. Our personnel must know where to go, whom to contact, how to coordinate, and how to respond. Readiness cannot begin only when an emergency call comes in; it has to be built beforehand,” ani NCRPO chief Abrahano.
Inatasan din ni PBGen. Abrahano ang mga police unit na masusing bantayan ang mga impormasyong kumakalat online na maaaring nagpapahiwatig ng banta laban sa mga paaralan.
Bahagi rin ng inisyatiba ang patuloy na pagsusulong ng ALICE—Alert, Lockdown, Inform, Counter, and Evacuate—bilang mga opsyon na maaaring makatulong sa school community na makagawa ng maayos na desisyon sa panahon ng isang active-threat situation.
We want every student to enter school knowing that the police, school authorities, families, and the community are working together to keep them safe. That is the commitment we are taking forward from this summit,” ani PBGen. Abrahano.(Gina Garcia)

