PATAY nang pagbabarilin ang isang mister habang natutulog sa loob ng inuupahang kwarto katabi ng kanyang asawa, Huwebes ng madaling araw sa Pasay City.
Pinasok ang maliit na tirahan ng mag -asawa sa isang eskinita ng nag iisang suspek bandang ala-1:00 ng madaling araw na nakasuot ng helmet sa Apelo Cruz St. Brgy.p 15 at pinagbabaril na ikinasawi nito .
Nagising ang misis ng biktima sa apat na putok ng baril at natulala nang makita ang duguan at wala ng buhay na mister habang agad tumakas ang suspek patungong Apelo Cruz St.
Nagsasagawa na ng forward at back tracking sa mga kuha ng CCTV ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at agaran nitong pagkadakip, habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Gina Garcia)

