Muling nagkrus ang landas nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa isang motorcade.
Bale promo ‘yon ng kanilang respective primetime series.
Trending topic ang kanilang catchup tsikahan over their meeting anew in a long while.
Super ecatatic si Julia na agad niyakap nang mahigpit si Kathryn.
On motorcade, inikot nila ang San Fernando, Pampanga.
Hindi nga lang sila nagkakuwentuhan nang bonggang-bongga as they rode different floats.
Pero very evident ang saya ng dalawang aktres.
Matatandaang Kathryn and Julia starred in Mara Clara.
Since then, naging malapit na sila sa isa’t isa.
Narito ang ilang comments:
“Mara and Clara in one frame…”
“My JulKath, the OG LT. Mahal na mahal ko talaga ‘tong dalawa since Mara Clara.”
”’Yan ang totoong kaibigan ni Kath, si Julia Montes!”
Marami tuloy ang humihiling na
pagsamahin ang dalawa in a movie.
Kung puwede nga daw, for a change ay si Kathryn naman ang gumanap bilang kontrabida.
Pabor naman ang mga fans sa switching of roles na ito–lalo ngayong mas mature na sila at versatile bilang aktres.
Trending
- Joshua pinatigil si Prenga sa second round
- Alex Eala matindi unang kalaban sa Mubadala DC Open
- Robin, may sagot kay Angel
- Jillian, hilaw pa raw sa concert
- Yakapan nina Kathryn at Julia, nag-trending
- Upper middle-income status dapat maramdaman
- Pamamahagi ng firetrucks sa buong bansa
- Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa
