Puring-puri ngayon ng mga netizen ang beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez sa matapang nitong puna sa gobyerno.
Sa Facebook page ni Winwyn kahapon, July 25, nag-post ito ng mga pagpuna sa maling prayoridad ng gobyerno gayong hindi napupunan ang pangangailangan ng taumbayan.
“Yung bill ng kuryente keeps going up. Tapos may mga lugar pa na may water supply problems. And we have farmers na ilang taon nang kailangan ng better irrigation. Bakit parang hindi ito ang priority ng gobyerno natin?,” bahagi ng mensahe ni Winwyn.
Bagama’t walang direktang pagtukoy, malinaw na pahaging ito ni Winwyn sa Pax Silica tech hub project na planong itayo ng Amerika sa Pampanga.
Ang Pax Silica ay itatayo sa 1,600 ektaryang lupain sa New Clark City ay magiging supply chain para sa AI technologies partikular ng semiconductor at critical mineral.
Pagpuna naman ni Winwyn, bagama’t importante ang AI at teknolohiya, kailangan munang unahin ng pamahalaan ang mga basic na pangangailangan ng taumbayan.
“I get that AI and technology are important.. gets ko oo but they shouldn’t come before the basics. AI has its place, but food, water, agriculture, and reliable electricity should always come FIRST. yan ang kailangan ng mga Pilipino araw araw.
“Sana mas tutukan ng gobyerno ang pagprotekta sa ating kalikasan habang pinapalakas ang irrigation, water supply, at affordable, reliable power. These are the things that directly affect every Filipino’s daily life.. parang dapat automatic ho yun na isipin hindi po ba???,” ani Winwyn.
Aniya pa, hindi lahat ng Pilipino ay excited sa isinusulong na proyekto.
“Huwag naman ninyong gawing parang hindi nag iisip ang mga Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino excited sa project na yan..habang ang mga pangunahing pangangailangan ng bansa ay marami pang dapat ayusin,” ani Winwyn.
“Nakaka frustrate na talaga. Ano na? Mahiya naman kayo,” dagdag pa nito.
Sa comments section, puring-puri naman ng mga netizen si Winwyn:
“Salamat sa pagtindig Queen Wyn. Dapat maging malakas ang boses natin. Mas maririnig kami kung ang mga gaya mong may impluwensiya will speak up. Sobrang kinakawawa na tayo ng gobyerno.”
“Sana mas marami pang katulad mo po mag-speak up sa issue ng ating bansa.”
“Binabalewala mga hinaing ng bawat pilipino tungkol sa pag taas ng meralco,water mga bilihin, bulok gobyerno ng pinas.”
“Very well said. Sana nga magkaron ng puso at pagmamahal sa kalikasan. Mayaman at maunlad sana ang Pilipinas kundi lang sa mga ‘corrupt and selfish leaders’ of this country.”
Trending
- Fajardo pinawi ang pangamba sa pagkatalo ng Beermen
- NLEX, nanatiling walang talo sa PBA Governor’s Cup
- Bea Alonzo naglilipat na sa bagong tahanan
- Winwyn Marquez may hanash vs AI project
- Sarah Geronimo nakipagduweto sa ama
- Nuclear energy pag-aaralan ng gobyerno
- Unang Ginang napaluha sa talumpati ni PBBM
- Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig
