Panahon na umano para muling pag-aralan ang paggamit ng nuclear energy upang mabawasan ang mataas na singil sa kuryente sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa harap ng mataas na kuryenteng binabayaran ng mga power consumer.
Ayon sa Pangulo, tiwala siya na makakatulong ang paggamit ng nuclear power para masiguro ang sigurad sa enerhiya ng bansa.
Ginagamit na aniya ang nuclear energy sa larangan ng medisina, agrikultura, water filtration at ang pag-recycle ng plastic.
“Perhaps it is time for us to revisit nuclear energy production. We are confident in its capacity to reinforce our energy security and to bring down the cost of electricity in our country,” anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na titiyaking ligtas ang paggamit nito at ipapaliwanag mabuti sa publiko ang magandang maidudulot ng nuclear energy.
Matatandaang hindi nagamit at napakinabangan ang plantang nukleyar sa Bataan na itinayo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. matapos tutulan ng iba’t ibang sektor ang operasyon nito.

Share.
Exit mobile version