Patay ang apat katao nang araruhin ng isang wing van truck ang Barangay Marilog Gym at ilang nakaparadang sasakyan 10:09 ng umaga nitong Sabado, Abril 11, 2026.
Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), kabilang sa mga nasawi ang driver ng truck, kanyang pahinante, at dalawang bystanders.
Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang nagkaroon ng tire blowout ang truck na naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at diretsong sumalpok sa gusali at mga sasakyan.
Malakas umano ang impact ng pagkabangga na nagdulot ng matinding pinsala sa istruktura ng gymnasium.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Marilog Police Station (PS12), Central 911, at Sambunotan responders upang tugunan ang insidente.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng aksidente, kabilang ang posibilidad ng mechanical failure o human error.
Samantala, pansamantalang isinara ang bahagi ng lugar upang bigyang-daan ang masusing imbestigasyon at maiwasan ang karagdagang insidente.
Apela ng mga otoridad sa publiko ang ibayong pag-iingat, lalo na sa mga lugar na dinaraanan ng mabibigat na sasakyan.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

