Matagal ng pinagplanuhan ng school campus shooter ang kanyang ginawang pamamaril nitong Biyernes, September 18, ng mga estudyante sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato na nagsanhi sa pagkasawi ng dalawang mag-aaral bago siya nagbaril ng sarili na kanyang ikinamatay.
Anim na iba pang mga estudyante ang sugatan sa naturang shooting rampage, ginagamot na sa mga hospital sa South Cotabato.
Sa pahayag ni Banga Mayor Albert Palencia, may indikasyon na planado ang school campus attack batay sa mga group Messenger chats ng attacker at kanyang mga kaibigan na nakita ng mga police investigators at mga school officials sa kanyang mobile phone.
Nag-absent diumano sa klase nitong Biyernes ang mga malapit na kaibigan ng attacker ng mabatid ang kanyang plano na kanyang ipinaalam sa kanila sa kanilang Messenger group chat.
Ayon kay Palencia, ang attacker na nasawi din sa insidente ay miyembro ng isang pangkat, ang True Crime Community, na inaalam na nila ang background.
Gamit ng attacker ang lisensyadong pistol ng kanyang ama sa pamamaril, ayon kina Palencia at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr.
Ang ama ng attacker ay empleyado ng isang government entity, ayon sa mga local executives sa Banga na ang población ay hindi kalayuan sa Koronadal City na siyang provincial capital ng South Cotabato.
Personal na pinuntahan ng chief ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga sugatang estudyante, ang nurse na si Rolly Aquino, inatasan ni Gov. Tamayo na magpaabot ng essential services sa mga estudyanteng biktima ng insidente.
=====

