INCHEON, Republic of Korea — Ang ika-20 edisyon ng Kamatyas Rapid Open at Kiddies Chess Championship ay gaganapin sa South Park Center, Lungsod ng Muntinlupa sa darating na Nobyembre 21, 2026.

Inorganisa nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol Jr. ng Kamatyas Chess Club, layunin ng torneo na: hubugin ang mahusay na pag-iisip sa pamamagitan ng pagpapayaman sa kaalaman sa mga estratehiya at taktika ng ahedres; mapahusay ang lohikal na pangangatwiran at kakayahang lumutas ng problema; palakasin ang tiwala at pagpapahalaga sa sarili lalo na sa mga kabataan; pagtibayin ang pagkakaibigan at pagkakaisa sa komunidad ng ahedres; at makalikha ng mga bagong manlalarong may titulo at mga bagong kampeon.

Libre ang pagpaparehistro, at magbibigay ng uniporme sa lahat ng kalahok. Susundin ang 8-Round Swiss System na may oras na 15 minuto + 5 segundong dagdag bawat galaw.

Mga Premyong Salapi sa pangkalahatang Kategorya kung saan ang magka Kampeon ay tatangap ng ₱30,000, Ika-2 puwesto ay ₱15,000, Ika-3 puwesto ay ₱7,000, 4th puwesto ay ₱5,000, 5th–10th puwesto ay ₱2,000 bawat isa at 11th–15th puwesto ay ₱1,000 bawat isa.

Tampok din ang Kiddies Under-12 kung saan tatangap ang magka kampeon ng ₱3,000; ang Ika-2 puwest ay ₱1,500; ang Ika-3 puwesto ay ₱1,000; habang ang 4th–5th puwesto ay ₱500 bawat isa.

May Espesyal na Parangal ay Pinakamahusay na Babaeng Manlalaro ay ₱2,000 at ang Pinakamahusay na Senior Manlalaro ay ₱2,000.

— Marlon Bernardino —

Sa Larawan: Ang tradisyonal na pagsisimula ng ika-19 na Kamatyas Chess Tournament sa Vista Mall Nuvali, Sta. Rosa, Laguna noong nakaraang Marso, na pinangunahan nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol Jr. ng Kamatyas Chess Club.

Share.