Napaluha si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos habang nakikinig sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address sa Batasan noong Lunes, Hulyo 27.
Sa kanyang social media post, sinabi ng Unang Ginang na naantig ang kanyang damdamin nang ilarawan ng Pangulo ang mga Pilipino bilang “magalang, marangal at hindi susuko”.
Ramdam aniya nito ang bawat pagsubok, bawat sakripisyo at bawat panalangin na nagdala sa kanila sa pagkakataong ito.
“Couldn’t help but shed a tear as I listened to my husband deliver this SONA,” anang First Lady.
Sa susunod aniyang pagkakataon ay huling SONA na ng Pangulo kaya ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ito sa lahat ng nakaagapay at tumulong sa kanila sa panahon ng termino ni Pangulong Marcos Jr.
Sinabi ng Unang Ginang na bawat staff ay bahagi ng kanyang pamilya, at sa lahat ng patuloy na naniniwala, tapat na nagtatrabaho at tahimik na nagsasakripisyo, hindi aniya sapat ang pasasalamat para sa mga ito.

Share.
Exit mobile version