Ang malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw ay nagdulot ng pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Ayon kay Maria Teresa Serra, hepe ng flood forecasting and warning division ng Angat Dam, hanggang alas-singko ng hapon kahapon (Agosto Trenta), umabot na sa Β one hundred ninety nine point zero one meters ang lebel ng tubig sa dam β twelve point ninety nine meters Β na lamang ang kulang sa normal na high water level tuwing tag-ulan na two hundred twelve meters.
Matatandaang noong Hulyo beinte singko ngayong taon, bumagsak sa pinakamababang antas sa kasaysayan ang tubig sa Angat Dam na one hundred fifty point fifty five meters , halos sampung Β metro na mas mababa sa critical level na Β one-hundred sixty meters.
Samantala, iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan na patuloy pa ring naglalabas ng tubig ang Ipo Dam at Bustos Dam nitong Linggo.
Hanggang alas-singko ng hapon kahapon, ang Ipo Dam ay naglalabas pa rin ng Β thirty four point fifty Β cubic meters per second ng tubig patungo sa downstream river system na dumadaloy sa Bustos Dam.
Dagdag ng PDRRMO, hanggang alas-kuwatro ng hapon Linggo, ang Bustos Dam ay naglalabas ng kabuuang two hundred twenty five Β CMS ng tubig sa downstream river na tumatahak sa mga bayan ng Bustos, San Rafael, Lungsod ng Baliwag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Hagonoy, at patungo sa Manila Bay. (Andy de Guzman)

