ARESTADO sa isinagawang pitong araw na operasyon ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang 70 wanted na mula Oktubre 5 hanggang Okt.11, 2026, bahagi ng patuloy na hanapin at hulihin ang mga indibidwal na may warrant of arrest sa Southern Metro Manila.

Naitala ang mga pag-aresto ng mga sumusunod na police units: Makati City Police Station (12),

Muntinlupa City Police Station (7),

Parañaque City Police Station (12),

Las Piñas City Police Station (9),

Taguig City Police Station (14),

at Pasay City Police Station (16).

Sa patuloy na pagsisikap ng mga tauhan ng SPD na ipatupad ang mga warrant of arrest, habulin ang mga wanted na indibidwal, at suportahan ang pangangasiwa ng hustisya sa pamamagitan ng mga nakatutok na operasyon ng pulisya.

Sinabi ni SPD Director PBrig.Gen. Rodel Pastor ang kahalagahan ng patuloy na manhunt operations sa pagtiyak na ang mga wanted persons ay dadalhin sa mga tamang korte.

Pinagtibay ang pangako ng SPD na protektahan ang mga komunidad sa pamamagitan ng legal at nakatutok na mga operasyon ng pulisya. (Gina Garcia)

Share.
Exit mobile version