Kailangang tugunan ng pamahalaan ang kamalian sa sistema na bumabalot sa sektor ng agrikultura, dahil ang sabay na pagtaas ng gastos sa produksiyon at pagbaba ng farm-gate price ng mga ani ay sumasalamin sa malalang depekto sa pundasyon na nagreresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka at naglalagay sa malubhang panganib ang seguridad sa pagkain, ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.
“Habang tayo ay nasa gitna ng state of national energy emergency, kasabay naman nito ang tahimik ngunit patuloy na problema sa ating sektor ng agrikultura,” pahayag ni Ejercito sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform noong Huwebes.
“Malinaw na may mali sa sistema. Tumataas ang gastos ng ating mga magsasaka—dahil sa langis, pataba, at transportasyon—ngunit ang kanilang kinikita ay patuloy na bumabagsak,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Ejercito na ang sitwasyon ay hindi na simpleng isyu ng “supply and demand”. “This is no longer just a matter of price fluctuations. This is a failure of the system… Ito ay usapin ng kapabayaan.”
Pinuna din ni Ejercito ang patuloy na pagdagsa ng mga imported na sibuyas kahit na sa panahon ng tag-ani na nagpapahina sa kita ng mga lokal na magsasak. Kinuwesityon din niya ang istratehiya ng pamahalaan sa pag-angkat na nakakasama sa lokal na produkisyon ng sibuyas.
“Excessive and poorly timed importation is not a solution—it is part of the problem. It displaces our farmers, distorts the market, and undermines our food security. Kung magpapatuloy ito, hindi na po krisis ang haharapin natin—kundi tuluyang pagbagsak ng lokal na produksyon,” ani Ejercito.
Maliban sa isyu ng importasyon, naalarma din ang senador sa mga ulat ng smuggling, hoarding at pofiterring kaya’t kailangang ipatupad na ng mahigpit ang mga batas para dito.
“Bilang may-akda ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, ipinasa natin ang batas na ito para sa proteksyon ng ating mga magsasaka, konsyumer at lokal na industriya,” ani Ejercito.
“Habang ang magsasaka ay lugi, ang konsyumer ay pinapahirapan ng mataas na presyo. Ibig sabihin, may kumikita sa gitna—at hindi ito ang magsasaka. The widening gap between farm-gate and retail prices is not normal. It is a red flag. It points to manipulation, inefficiency, or worse—exploitation. Kaya hindi na sapat ang paliwanag. Panahon na para sa pananagutan,” sambit pa niua.
Binigyang-diin pa ni Ejercito na ang mga magsasaka ang nanatiling haligi ng bansa at hindi dapat pabayaan ng pamahalaan.
“Hindi po natin maaaring pabayaan ang ating mga magsasaka. Sila ang nagpapakain sa ating bayan—ngunit sila rin ang unang naaapektuhan kapag pumapalya ang sistema. If we fail them, we fail the nation,” ayon pa sa senador.
Trending
- Dodgers inilunsad ang 3-peat bid
- Bella Belen di na makakatanggap ng MVP award
- Enrique Gil may nabuntis?
- James Reid, Issa Pressman malapit na ikasal?
- Kween Yasmin nakunan!
- Angeline Quinto makaka-graduate na
- Maine Mendoza absent sa party ng mga Atayde?
- PNP, nagbabala sa mga magtatampisaw sa tubig ngayong tag-init

