Tinuldukan na ng pamilya Atayde ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y dahilan ng pagkawala ni Maine Mendoza sa ilang mahahalagang okasyon ng pamilya ng kanyang mister na si Cong. Arjo Atayde.
Sa pahayag ng official showbiz PR representative ng mga Atayde na si Chuck Gomez, masama ang pakiramdam ni Maine kaya hindi ito nakadalo sa party ng mga Atayde, partikular ang birthday celebration ng mag-amang Ria at Art Atayde.
“She wasn’t feeling well that day,” pahayag ni Gomez sa Messenger chat ng ABS-CBN.
Magugunitang hindi nakadalo si Maine sa naturang party at ikinonek ito ng mga netizen sa umano’y hindi rin pagpo-post online ng Eat Bulaga host ng anumang tungkol kay Arjo noong kanyang birthday na nasundan ng isang out-of-the-country trip kung saan wala rin ang kanyang mister.
Pinag-connect the dots ng mga netizen ang mga pangyayari at sinabing posibleng hiwalay na sina Maine at Arjo.
Nananatiling walang pahayag si Maine kaugnay sa hiwalayan issue.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

