Nagbabala ang Meralco sa mga consumer tungkol sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa billing ngayong Hunyo 2026 matapos ang serye ng red alerts sa Luzon grid.
Nagkaroon ng red alert sa Luzon mula Mayo 13 hanggang 15 dahil sa problema sa major transmission lines na nakaapekto sa operasyon ng ilang power plants.
Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines, umabot hanggang ₱32 kada kilowatt-hour ang presyo ng kuryente sa spot market habang may red alert.
Bahagi ng suplay ng Meralco at ilang electric cooperatives ay kinukuha mula sa spot market. Para sa Meralco, nasa 10 hanggang 15 porsyento ng kanilang buwanang supply ang mula rito habang ang natitira ay mula sa contracted supply.
Dahil naman sa matinding init ng panahon, lumampas na sa dating peak demand ang konsumo ng kuryente sa Luzon noong Mayo 14. Mula sa dating 13,389 megawatts na peak demand noong 2025, umabot ito sa 14,374 megawatts noong araw ng red alert.
Sa Meralco naman, lumagpas din ang demand mula 9,131 MW hanggang 9,292 MW.
Ayon kay Larry Fernandez, head ng utility economics ng Meralco, dalawang bagay ang nagtutulak ng pagtaas ng bill: mas mataas na paggamit ng cooling devices dahil sa init at mas mahal na presyo ng kuryente dahil sa mataas na demand at kakulangan ng supply habang may yellow o red alert.
“So on both ends of both factors, lower supply plus higher demand, so there’s really pressure for the spot market prices to go up,” ani Fernandez.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer
