Muling magtatambal sa tennis court sina Alex Eala at US icon Venus Williams sa Mubadala DC Open na gaganapin sa Washington, DC.
Kabilang kasi ang dalawa sa star-studded na doubles lineup sa nasabing torneo kung saan kasama nila ang 18 Grand Slam doubles at mixed doubles champions sa ATP at WTA tours.
Unang nagsama ang dalawa sa Bad Homburg Open noong nakaraang buwan kung saan nagwagi sila laban kina Alexandra Osborne at Catherine Harrison sa first round.
Subali’t tinalo sila sa quarterfinals nina Olivia Nicholls at Tereza Mihalikova.
Nakatakdang magsimula ang Mubadala DC Open sa darating na Hulyo 25 hanggang Agosto 2.Mga Piyesta Opisyal at Pampanahong Kaganapan
Trending
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater
- Dennis nangalampag
- 5 bayan sa Bulacan, lubog pa rin
- Habambuhay-kulong : Hatol sa drug offender
- Murder suspect nalambat sa Navotas
