Si Gwendoline Meliz Soriano ng Baguio City ang bagong Binibining Pilipinas International 2026!
Nasungkit ni Gwendoline ang korona matapos manaig sa 35 kandidata sa coronation night na idinaos sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado.
Bilang bagong titleholder, siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International pageant sa susunod na taon. Ipinasa sa kanya ang korona ni Binibining Pilipinas International 2025 Katrina Anne Johnson.
Samantala, itinanghal namang Binibining Pilipinas Globe 2026 si Sasha-Juli Belle Lacuna ng Tarlac. Si Julianne Raine Antonio ng Dumaguete ang itinanghal na first runner-up, habang si Tracy Mae Sunio ng Bacolod ang second runner-up.
Sa final question-and-answer portion, tinanong ang Top 4 finalists kung ano ang kanilang nakikitang kinabukasan at paano makatutulong ang korona ng Binibining Pilipinas sa pagtupad nito.
“I envision to be an aspirational leader and with a Binibini crown hopefully I get to inspire other people to believe in the beauty of their dreams and to be faithful. I’m here now not because of my own strength, not because of my own beauty and skills but only by the grace of God,” sagot ni Gwendoline.
“And I am here to share that hope and that message that hopefully even after this and beyond the crown, I will be remembered as someone who had a big faith and a big heart,” dagdag pa niya.
Bukod sa korona, naiuwi rin ni Gwendoline ang ilang special awards, kabilang ang Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, Binibining Philippine Airlines, at Binibining Urban Smiles.
======
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz
