May bagong pasabog si Sharon Cuneta para sa kanyang supporters sa Amerika dahil nakatakda siyang magkaroon ng dalawang concert doon ngayong November.
Kinumpirma ng show promoter na si Enteng Perez ang upcoming US shows ng Megastar sa isang social media announcement kung saan naka-tag din sina Lerma Cailles at Stargaze Production ni Carnie Banares.
California at Washington ang dalawang lugar na nakatakdang puntahan ni Sharon.
Bagama’t wala pang kumpletong detalye tungkol sa venues, may impormasyon na sa isang malaking casino gaganapin ang California leg.
“Sharon Cuneta: The Mega Experience” umano ang magiging title ng concert, kaya nakaabang na ang Sharonians sa official details tungkol sa dates, venues at ticket selling.
Nilinaw din na solo shows ito ni Sharon at hindi sequel ng naging reunion concert nila ni Gabby Concepcion.
Hindi kasama ang aktor sa dalawang pagtatanghal ng Megastar sa Amerika.
Dahil bagong lumabas ang announcement, hindi pa ito naitanong kay Sharon sa press conference nila ni Barbie Forteza para sa Prime Video series na “Love Thy Mother.”
Samantala, sabik na ang US-based supporters ng Megastar na malaman ang buong detalye ng dalawang shows para makapag-secure na sila ng tickets.
=====
Trending
- Eight-gold target ng PH sa Asian Games
- Alex Gonzaga naiiyak sa tuwing nakikita ang anak
- Sharon Cuneta may dalawang concert sa Amerika
- Ivana Alawi mamimigay ng 20 motorsiklo
- Singil sa kuryente bumaba; may dagdag sa tubig
- P60 KADA ARAW: DAGDAG SUWELDO
- Piso subsob kontra dolyar; pinakagrabe sa kasaysayan
- Ex-Speaker Martin Romualdez kalaboso sa QC City Jail
