Naiiyak pa rin si Alex Gonzaga sa tuwing nakikita niya ang anak na si Isaac Gerard dahil hindi pa rin siya makapaniwalang natupad na ang matagal nilang hinihintay ng mister na si Mikee Morada.
Sa video na ibinahagi ng St. Luke’s Medical Center, naging emosyonal ang actress-content creator habang ikinukuwento ang pakiramdam niya ngayong isa na siyang mommy.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na ‘eto na, this is it. Naiiyak pa rin ako ‘pag nakikita ko ‘yung baby ko,” saad ni Alex.
Malaking bagay para sa mag-asawa ang pagdating ni Baby Isaac matapos ang ilang beses nilang pagsubok na magkaroon ng anak.
Kaya naman punong-puno ng pasasalamat si Alex sa bagong yugto ng kanilang buhay.
“It’s very overwhelming, we’re very, very grateful, we really feel blessed. It’s finally our turn and our time,” aniya.
Binalikan din nina Alex at Mikee ang araw ng panganganak noong Agosto. Kinailangang sumailalim sa caesarean section ang aktres, ngunit ayon sa kanya, mas nangingibabaw noon ang pananabik na sa wakas ay makikita na niya ang kanilang baby.
“Nu’ng sinabi sa ‘kin na I have to do CS, ang excited ako is to really see my baby. ‘Yung feeling na you have your own na,” kuwento niya.
Hindi naman naging madali kay Alex ang mga sandali sa operating room. Gising siya habang isinasagawa ang procedure at inamin niyang hindi niya napigilan ang kaba at pagluha.
“During that time, wala, gising ako tapos siyempre, kinakabahan ako, hindi ko alam ang nangyayari. Tuloy-tuloy luha ko. Tapos si Mikee, binulungan pa ako ng ‘Sobrang mahal kita, minamahal kita lalo ngayon sa nakikita ko,’” pagbabahagi ni Alex.
Todo-suporta naman si Mikee sa kanyang mag-ina at nakatutok lamang umano siya sa kanilang kalagayan.
“Support lang talaga, makita na okey siya, makita na okey ‘yung baby, eh talagang happy ako. So, lahat, nakatutok talaga sa kanila ni baby and very, very happy syempre na… how many tries, no? On our fourth pregnancy ay nabiyayaan na rin kami ng anak,” saad niya.
Nanginginig umano si Alex sa gitna ng procedure at nakaramdam din siya ng panic dahil sa halo-halong kaba at excitement. Nang marinig na niya ang iyak ni Baby Isaac, doon lamang siya nakaramdam ng kapanatagan.
Nagpasalamat din sina Alex at Mikee sa mga doktor, nurse at hospital staff ng St. Luke’s Medical Center na nag-asikaso sa kanila sa pagsilang ng kanilang anak.
====
Trending
- Eight-gold target ng PH sa Asian Games
- Alex Gonzaga naiiyak sa tuwing nakikita ang anak
- Sharon Cuneta may dalawang concert sa Amerika
- Ivana Alawi mamimigay ng 20 motorsiklo
- Singil sa kuryente bumaba; may dagdag sa tubig
- P60 KADA ARAW: DAGDAG SUWELDO
- Piso subsob kontra dolyar; pinakagrabe sa kasaysayan
- Ex-Speaker Martin Romualdez kalaboso sa QC City Jail
