Tuloy ang pagbibigay ng tulong ng DOH sa pamamagitan ng telemedicine services sa mga apektadong overseas Filipino workers sa kabila ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Isinagawa ang Mental Health and Psychosocial Support Services sa OFWs kung saan ang layunin ay matugunan ang kalusugang pangkaisipan at psychosocial na pangangailangan habang nananatili sa mga apektadong lugar.
Suportado rin ng DOH ang Department of Migrant Workers sa pagsalubong sa mga umuwing Pilipino upang agad na mabigyan ng kaukulang serbisyong pangkalusugan.
Kasama sa isinagawang telemedicine ang DOH-Mariveles Mental Wellness and General Hospital, Department of Migrant Workers, at Embahada ng Pilipinas sa Bahrain.
Tiniyak ni Health Secretary Teodoro Herbosa na patuloy ang pagbibigay ng ganitong serbisyo upang maabot at matulungan ang mga Pilipino sa ibang bansa na apektado ng krisis.
Trending
- LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers
- Obiena sumungkit ng silver sa Germany
- Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry
- New manager ni Bea, ‘di naniniwala sa kontrata, handang mapalitan ng iba
- Malu Barry, cancer-free na
- VP Sara nagpiyansa, nanganganib umano ang buhay
- DMW: Pinoy seafarer puwedeng tumanggi sa mapanganib na paglalayag
- DPWH nagbabala laban sa pekeng website
