Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes laban sa kumakalat na pekeng website na nagpapanggap bilang opisyal na website ng ahensya.
Ayon sa DPWH, naglalaman ang naturang website ng maling impormasyon at nanghihingi umano ng personal na datos na anila’y maaaring gamitin sa panloloko at magdulot ng panganib sa privacy at seguridad ng mga gumagamit.
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na magtungo lamang sa opisyal na website ng DPWH para sa lehitimong impormasyon tungkol sa ahensya.
Maaari ring iulat sa DPWH Hotline 165-02, mga social media account ng ahensya o sa citizens_feedback@dpwh.gov.ph ang anumang kahina-hinalang website o online account.
Maa-access ang opisyal na website ng DPWH sa https://www.dpwh.gov.ph/.
