Todo-flex si SB19 Stell Ajero sa kanyang fit na pangangatawan matapos niyang pasabugin ang social media sa latest topless photo niya.

Simpleng “Uhmm hello??” lang ang inilagay na caption ni Stell, pero hindi naging simple ang reaksiyon ng kanyang fans na agad nagkagulo at nagpaulan ng papuri sa singer.

Agaw-pansin sa larawan ang hubog ng katawan ni Stell, kaya naman may mga faney na hindi napigilang tawagin siyang “yummy.”

May iba pang mas matindi ang hirit at “yummylicious” naman ang description sa SB19 member dahil sa topless look nito.

Para sa kanyang supporters, walang dahilan para mahiya si Stell na i-flex ang kanyang katawan dahil kitang-kita naman umano ang resulta ng pag-aalaga niya sa kanyang physique.
May mga faney pa ngang nagsabing kaya niyang makipagsabayan sa mga hunk actor pagdating sa dating at confidence sa pagpapakita ng katawan. Sey nila:

“LAAAAAAAAAAAHHH ung bungad sa feed ko.”

“Walang intro intro.”

“Alam na alam mo talaga pano ako baliwin eh.”

“ANO BA TO KAKABUKAS KO LANG NG INSTAGRAM????”

“kaya pala ang init maghapon.meron din palang ganda ang mabuhay.. pwede nang magarap?hahaha.”
=====

Share.
Exit mobile version