Muling ipatutupad sa anim na lungsod ng Metro Manila ang No Contact Apprehension Policy –NCAP simula Oktubre singko, dosmil beinte sais.
Kabilang dito ang Maynila, Quezon City, Valenzuela, Paraniyake, Muntinlupa, at San Juan.
Layunin ng NCAP na hulihin ang mga lumalabag sa batas-trapiko gamit ang CCTV at digital cameras, nang hindi na kinakailangang harangin ng mga enforcer sa kalsada.
Gamit ang sistemang ito:
Mas mabilis na pagtukoy ng paglabag: Dahil awtomatikong nakatala sa sistema, nababawasan ang pagkakataon ng “palusot” o pakikipag-areglo sa enforcer.
Pag-iwas din ito sa talamak na korapsyon at aregulahan kapalit ng aktuwal na suhol.
Ang digital na proseso ay nagbabawas ng pisikal na interaksyon, kaya mas malinaw at mas patas ang pagpataw ng multa.Sa mga naunang implementasyon, napansin ang pagbaba ng insidente ng overspeeding at illegal parking, dahil alam ng mga motorista na may mata ng kamera sa bawat kanto.
Maaaring tingnan at bayaran ang multa online, at may opsyon ding mag-apela kung sa tingin ng driver ay mali ang naitalang paglabag.
Ang NCAP ay nakikitang epektibong hakbang para sa mas disiplinadong trapiko at mas ligtas na kalsada sa Metro Manila.
Gayunman, nananatiling hamon ang tamang impormasyon at edukasyon sa publiko upang maiwasan ang kalituhan at reklamo sa proseso.
Pero, may mga nagrereklamo na mauubos ang kanilang kita o ganansiya dahil sa multa at walang mai-entrega sa operator at kay misis.
