Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Marso 27, na sakit sa puso ang nangungunang dahilan ng pagkasawi ng maraming tao sa Pilipinas.
Ayon pa sa provisional data ng PSA noong Enero 31, 2026, mula Enero hanggang Setyembre 2025, 89,068 ang kaso ng sakit sa puso o ischaemic heart diseases, na bumubuo sa 19.8% ng kabuoang tala ng pagkamatay sa buong bansa.
Sinundan ito ng neoplasms na tumutukoy sa paglaki o pagdami ng mga selula na kadalasang bumubuo ng bukol o masa, sa bilang na 51,904, na bumubuo sa 11.6% ng pagkamatay sa bansa.
Pangatlo ay ang cerebrovascular diseases na kondisyong nakaaapekto sa daloy ng dugo sa utak, sa bilang na 44,593 na kaso, na bumubuo sa 9.9% ng pagkamatay sa bansa.
Pang-apat ay ang pneumonia na pagkamaga at pagkakaroon ng tubig sa baga dala ng bacterial, viral, o fungal infection, na mayroong 29, 797 kaso, na bumubuo sa 6.6% ng pagkamatay sa bansa.
Panghuli ay ang diabetes mellitus, na kondisyong nagdudulot ng lubos na pagtaas ng blood sugar, sa bilang na 27, 516, na bumubuo sa 61% ng pagkamatay sa bansa.
Dahil sa mga bilang na ito, ipinaalala ng PSA sa publiko ang importansiya ng maayos na pamumuhay, regular na check-up at maiging suporta mula sa kinabibilangang health community.
Trending
- Dodgers inilunsad ang 3-peat bid
- Bella Belen di na makakatanggap ng MVP award
- Enrique Gil may nabuntis?
- James Reid, Issa Pressman malapit na ikasal?
- Kween Yasmin nakunan!
- Angeline Quinto makaka-graduate na
- Maine Mendoza absent sa party ng mga Atayde?
- PNP, nagbabala sa mga magtatampisaw sa tubig ngayong tag-init
