Nasawi ang isang 34-anyos na lalaki nang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong na pickup sa national highway sa Brgy. Pagdaraoan, San Fernando City, La Union noong Huwebes, Setyembre 24.
Ayon sa San Fernando CPS, ang driver ng motorsiklo na isa umanong cook ay residente ng naturang lungsod.
Ang 51-anyos na driver ng pickup na isang fish vendor ay residente naman ng Bacnotan, La Union.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang pickup papuntang timog samantalang bumibiyahe naman papuntang hilaga ang motorsiklo.
Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, hinihinalang na-overshoot ang motorsiklo at nasakup nito ang kabilang lane.
Nang makita umano ng driver ng pickup ang papalapit na motorsiklo ay agad na tinangka niyang iwasan ito.
Gayunman, hindi pa rin naiwasan na magbangga ang dalawang sasakyan.
Agad na isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo pero hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor.
Nasawi umano ang biktima dahil sa acute respiratory failure secondary to a traffic vehicular incident.
Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng pickup.
Trending
- Heavyweight bout nina Fury at Joshua matutuloy na
- Atasha Muhlach, Jacob Ang iniintrigang break na
- Coco Martin ginawang artista ang businesswoman na si Pinky Tobiano
- Dating Miss Universe Jamaica nagsampa ng kaso sa pagkahulog sa entablado
- Rider utas sa nakasalubong na pickup
- BPAT member sugatan sa pamamaril
- Lalaki nagnakaw ng mga wire ng traffic light
- Pulis natagpuang patay sa gilid ng highway
