May bago na namang nadiskubreng artista si Coco Martin para sa kanyang seryeng “Sigabo”—at this time, businesswoman at philanthropist na si Pinky Tobiano ang napasabak niya sa pag-arte.
Bukod sa pagiging bida, producer, direktor at creative head ng serye, tila pati paghahanap ng mga bagong mukhang isasabak sa kamera ay ginagawa na rin ni Coco.
Isa nga sa kanyang napapayag na umarte si Pinky, na kilala bilang chemist at negosyante at business partner din ni Julia Montes.
Hindi rin simpleng appearance lang ang ibinigay sa kanya sa “Sigabo.” Ginagampanan ni Pinky ang best friend ng karakter ni Carmi Martin kaya may mga eksena silang nangangailangan ng matinding emosyon.
Sa katunayan, nakasabayan ni Pinky si Carmi sa kanilang dramatic scenes at mayroon pa siyang eksenang napaiyak ang kanyang karakter.
Natatawa naman ang businesswoman tuwing binibiro siyang si Coco na ngayon ang maituturing niyang discoverer sa showbiz.
At nang tanungin kung paano siya napapayag na sumabak sa pag-arte gayong hindi naman ito ang kanyang nakasanayang mundo, simple lang ang sagot ni Pinky.
“Puwede ba ako makatanggi kay Coco?” sey niya.
Trending
- Heavyweight bout nina Fury at Joshua matutuloy na
- Atasha Muhlach, Jacob Ang iniintrigang break na
- Coco Martin ginawang artista ang businesswoman na si Pinky Tobiano
- Dating Miss Universe Jamaica nagsampa ng kaso sa pagkahulog sa entablado
- Rider utas sa nakasalubong na pickup
- BPAT member sugatan sa pamamaril
- Lalaki nagnakaw ng mga wire ng traffic light
- Pulis natagpuang patay sa gilid ng highway
