Inaresto ang isang lalaki nang makitang nagnanakaw umano ng mga wire ng traffic light sa kahabaan ng EDSA-Dario Bridge sa Quezon City.
Batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Setyembre 26, agad na dinala ang suspek sa Quezon City Police District (QCPD) Station 1.
Tiniyak naman MMDA na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa QCPD para sa mga kaukulang kaso na ihahain sa suspek.
Sa pagtatapos ng pahayag, nagpaalala ang MMDA sa publiko na iwasang sirain o nakawin ang mga kagamitan ng traffic signal dahil sa aberyang dulot nito sa operasyon ng traffic light at posibleng panganib na dulot nito sa mga motorista at pedestrian.

Share.
Exit mobile version