Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mga tauhan sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ito ang inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa isang press conference noong Lunes, Abril 6.
“Lahat ng mga eskwelahan sa Metro Manila, lahat ng public schools ay magkakaroon ng police presence during school hours,” ani Remulla.
“We will make the students feel safe, we will make the parents feel safe,” dagdag niya.
Hinimok din niya ang publiko na tumawag sa hotline 911 kung walang pulis na nakatalaga sa kanilang paaralan, upang agad itong maaksyunan at mapadalhan ng tauhan.

Share.