Nakatakdang muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo matapos mag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis ng panibagong price adjustment na epektibo sa Martes, Mayo 26.
Batay sa inaasahang galaw ng presyo, tataas ng hanggang P1.60 kada litro ang gasolina, habang aakyat naman ng P1.96 kada litro ang diesel.
Posible ring madagdagan ng P1.45 kada litro ang presyo ng kerosene.
Inaasahang ipatutupad ang bagong presyo pagsapit ng alas-6 ng umaga ng Martes.

Share.