Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang pansamantalang tigil-operasyon mula Biyernes Santo, Abril 3 hanggang Sabado de Gloria, Abril 4.
Ayon sa PNR, ito ang pansamantalang tigil-operasyong ito ay pagbibigay-daan sa kanilang taunang maintenance ng mga tren at riles sa kasagsagan ng Semana Santa.
Muli namang magbabalik ang kanilang normal na operasyon pagdating ng Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5.
Binanggit din ng PNR na bago ang nakatakdang suspensyon ng mga biyahe, tiniyak din muna nilang may masasakyan ang mga mamamayang magtutungo at babalik sa mga rutang Lucena–Halang Dos, Calamba; San Pablo–Halang Dos, Calamba; at Naga–Lupi Viejo, mula Sabado, Marso 28 hanggang sa Huwebes, Abril 2.
Para sa mga katanungan tulong, binanggit ng PNR na maaaring makipag-ugnayan ang mga biyahero sa mga sumusunod na numero:
– PNR Hotline: (02) 5319-0044
– Civil Security Office: (02) 5319-0060
– Tanggapan ng Naga: 09175832225 o (054) 238-0332
Para naman sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo ang publiko sa mga opisyal na social media accounts ng PNR sa Facebook, @officialpnrpage: X, @pnr_govph; at TikTok, @officialpnr.
Anila pa, patuloy na ipinatutupad ng kanilang pamunuan ang mga diskwento para sa pasaherong Senior Citizens, Persons and Disabilities (PWDs), at mga mag-aaral.
Trending
- Dodgers inilunsad ang 3-peat bid
- Bella Belen di na makakatanggap ng MVP award
- Enrique Gil may nabuntis?
- James Reid, Issa Pressman malapit na ikasal?
- Kween Yasmin nakunan!
- Angeline Quinto makaka-graduate na
- Maine Mendoza absent sa party ng mga Atayde?
- PNP, nagbabala sa mga magtatampisaw sa tubig ngayong tag-init
