Nagbaba ng ilang paalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magtatampisaw at magbababad sa tubig bilang pagpapaginhawa mula sa alinsangan sa kasagsagan ng panahon ng tag-init sa bansa.
Ayon sa pahayag ng PNP noong Miyerkules, Marso 25, mula Abril 1 hanggang Mayo 31,2025, tinatayang 151 ang kaso ng mga nalunod sa bansa, na maituturing na malaking pagtaas mula sa naitalang 90 noong 2024.
Sa kabuoang 151 tala, 141 dito ang nasawi; pito ang sugatan; habang nalalabing pito sa bilang ang nakaligtas.
Saad ng PNP, ang mga tala nilang ito ay nagsisilbing paaalala na importante ang pagiging mapagmatyag ng publiko sa oras ng pagtatampisaw o paglangoy sa tubig, partikular sa mga pamilyang may kasamang bata.
Kaya binanggit ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., sa mga magulang na panoorin ang kanilang mga anak sa tubig, at lumangoy lamang sa designated areas at magsuot ng life vests kung kinakailangan.
Saad pa ni Nartatez, magmasid din sa paligid kung mayroong lifeguards na nagbabantay, at iwasan ang mga mapapanganib na gawain tulad ng pag-dive sa mababaw na tubig o paglangoy mag-isa.
“Parents should always supervise their children. Swim only in designated areas, check for lifeguards, wear life vests when needed, and avoid risky behavior such as diving in shallow water or swimming alone. Simple precautions can prevent accidents and save lives,” paalala ng hepe.
Kasama rin sa paalala ng mga awtoridad ang pananatiling hydrated, pagpapahinga sa mga malilim na lugar, at pagbabantay sa mga bata at mga kasamang hindi marunong lumangoy.
Anila pa sa publiko, sa resort man o beach, maging maagap sa pagsunod sa safety guidelines at pag-obserba sa kondisyon ng tubig upang maiwasan ang pagkalunod.
“Let’s enjoy the season safely and look out for each other. “Ang bawat pag-iingat, maliit man o malaki, ay nakakatulong upang maiwasan ang aksidente,” saad ni Nartatez.
Trending
- Dodgers inilunsad ang 3-peat bid
- Bella Belen di na makakatanggap ng MVP award
- Enrique Gil may nabuntis?
- James Reid, Issa Pressman malapit na ikasal?
- Kween Yasmin nakunan!
- Angeline Quinto makaka-graduate na
- Maine Mendoza absent sa party ng mga Atayde?
- PNP, nagbabala sa mga magtatampisaw sa tubig ngayong tag-init

