“Bumagsak sa panibagong rekord ang piso nitong Huwebes, nagsara sa Sixty pesos and ten cents laban sa dolyar ng US, dulot ng pangamba sa pandaigdigang merkado at mas matibay na halaga ng dolyar.
Humina ang piso ng fifty eight centavos 58 mula sa nakaraang pagsasara, at nalampasan ang dating rekord na Fifty Nine and eighty seven cents na naitala ilang araw lang ang nakalipas.
Umabot pa ito sa napakababang Sixty pesos and four cents intraday bago bahagyang bumawi.
Ayon sa mga analista, sanhi ng pagbagsak ang desisyon ng United States Federal Reserve na panatilihin ang interest rates, na nagpatibay sa dolyar, kasabay ng tumitinding alalahanin sa digmaan sa Gitnang Silangan.
Muling iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakikialam lamang ito upang pakinisin ang sobrang paggalaw ng merkado, at hindi upang ipagtanggol ang tiyak na antas ng palitan.
Nagbabala ang mga ekonomista na kung magpapatuloy ang tensyon at mataas na presyo ng langis, maaari pang humina ang piso sa mga darating na linggo.
Ang makasaysayang pagbagsak ng piso ay nagpapakita ng kahinaan ng bansa sa mga panlabas na salik, na nagdudulot ng pangamba sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gastusin ng mga negosyo.
Hindi ito normal tulad sa ipinopropaganda ng ilang matataas na opisyal, bagkus ito ay isang aktuwal na mapait na sitwasyon sa kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Inihayag ng gobyerno na itaas ang singil sa pasahe bandang umaga, pero bandang hapon, idiniskaril ang implementasyon. Kasabay nito, nagsagawa ng protesta ang transport sector dahil higit nang one-hundred peso ang preso kada litro ng diesel–at lolobo pa ito sa mga susunod na lingo.
Trending
- PISO BAGSAK KONTRA DOLYAR: P60.10 PER DOLLAR
- Buwitreng oil cartel buwisan
- US TROOPS DUMAGSA SA PILIPINAS
- Toll fees sa expressway pinatatapyasan
- Toll fees sa expressway pinatatapyasan
- Jose Manalo, humirit ng dagdag-sweldo matapos mahulog noon sa kanal
- Ji Chang-wook, na-excite sa mga Pinoy actors
- Zanjoe, may mensahe sa wedding ni Bea kay Vincent!
