“Everything changed.” Ito ang naging paglalarawan ng model at aktres na si Phoemela Baranda sa kanyang buhay matapos siyang mabigyan ng second chance na maging ina sa edad na 40.
Ibinahagi ni Phoemela ang saya at mga hamon na dinala ng kanyang bunsong anak na si Illy.
Ayon kay Phoemela, hindi niya inaasahan ang pagbubuntis sa edad na 40. Sa panahong iyon, abala raw siya sa pagpapatakbo ng kanyang sariling social media marketing agency at mas nakatuon sa corporate world sa likod ng mga camera.
“After giving birth to Illy, I was kinda surprised that I got pregnant at 40. Surprise talaga ‘yun… everything changed. [At] that time I was starting a social media marketing agency… so more of corporate world and then Illy came and I’m like, ‘Sorry guys, I think I’m gonna focus more on [her]’,” kuwento ni Phoemela.
Ibinahagi rin ni Phoemela ang maayos na pagsasama nila ng kanyang partner, ang businessman at professional race car driver na si Jason Choachuy, sa pagpapalaki kay Illy.
Sey niya, ang kapakanan ng bata ang palaging nangunguna sa kanilang relasyon.
“I am very happy with my partner Jason Choachuy for raising a beautiful child together. ‘Yun ‘yung important, we always think about Illy as our priority. We always disregard our differences, we always disregard our personal issues for Illy,” dagdag pa niya.
Unang naging ina si Phoemela sa edad na 19 sa kanyang panganay na si Kim Nichole.
Noong March 6, 2021, ibinahagi ni Phoemela ang pagsilang kay Illy sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan makikita si Jason na humahalik sa kanyang noo matapos ang successful na panganganak.
Trending
- Vice Ganda : It’s Showtime “nganga”
- 3 Krus ni Juan : P60.69 /dollar; diesel P122/ liter; stocks, lugmok
- TRUMP :PEACE DEAL SOON!
- Phoemela Baranda buntis @ 40
- Kathryn Bernardo magkakaroon ng wax figure sa HK
- Kim Chiu bet ang gwapo, matapang, ‘di korap na politiko
- Rabiya at Jake Cuenca magka-date sa b-day party ni Sienna Stevens
- Miss Grand Thailand candidate natanggal pustiso habang nagpapakilala
