Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na ibigay ang lahat ng maaaring itulong sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo sa pamilya ng hindi pa pinangalanang OFW.
Sinabi ng Pangulo na iniutos na niya na siguruhing maiuwi agad sa Pilipinas ang labi ng OFW, at nakaantabay na aniya ang Philippine Embassy sa Tel Aviv upang maibigay ang lahat ng kinakailangang tulong.
“Nakikiramay tayo sa pamilya ng ating kababayang nasawi sa naganap na missile attack sa Haifa, Israel. Kasama nating nagluluksa ang kanyang pamilya sa gitna ng isang trahedyang hindi dapat maranasan ninuman,” anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na patuloy na binabantayan ng gobyerno ang sitwasyon sa Gitnsng Silangan at prayoridad aniya ng gobyerno ang kaligtasan ng bawat Pilipino.
Hangad ng Pangulo na magkaroon ng lakas at kapanatagan ang pamilya ng OFW sa gitna ng pagdadalamhati dulot ng naganap na trahedya.
Batay sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasamang nasawi ng Pilipina ang asawang Israeli at mga biyenan.
Trending
- Lakers bigo vs Thunder
- Bol Bol ibinangko ni coach Chot
- Sister ni Winwyn Marquez wagi sa beauty pageant sa Indonesia
- Pinay singer bumida sa ‘Britain’s Got Talent
- Max Collins, pagod ng hanapin ang ama
- Pope Leo: Tigil-putukan sa Iran ‘senyales ng totoong pag-asa’
- Halos 3.7M nagparehistrong botante para sa 2026 BSKE – Comelec
- DICT: Roblox ‘di iba-ban sa ‘Pinas

