Umabot na sa halos 3.7 milyon ang mga nagparehistrong botante para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa datos na nakalap hanggang Marso 31, 2026, naitala ang kabuuang 3,697,800 nagparehistrong botante, kung saan mas marami ang kababaihan na umaabot sa 1,911,486, kumpara sa 1,786,314 na kalalakihan.
Pinakamataas ang bilang ng mga nagparehistro botante sa Calabarzon na may 610,859, sinundan ng Central Luzon na may 417,603 at National Capital Region na may 372,503.
Ayon sa Comelec, magpapatuloy ang voter registration mula ngayong Martes, Abril 7, hanggang Mayo 18, 2026 sa pamamagitan ng register anywhere program o sa pinakamalapit na opisina ng Comelec.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

