Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na tulungan ang gobyerno na pangasiwaan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng pag-iwas mula sa pagpapakalat ng misinformation at fake news.
“Bawat isa sa atin ay may magagawa namang paraan para makatulong… o kahit sa pamamahagi ng tamang impormasyon at hindi pagkakalat ng fake news,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang vlog na in-upload sa kanyang social media pages, araw ng Linggo, Marso 22.
“Huwag naman sana tayong dumagdag pa sa problema,” aniya pa rin.
Binigyang diin ng Pangulo na ang pagkakaisa at responsableng information-sharing ay mahalaga habang nagpapatuloy ang gobyerno na tugunan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at global uncertainty.
“Ngayon ang panahon para magtulungan,” diing pahayag ng Pangulo.
“Alalahanin natin ang pagmamahal natin sa ating mga kababayan. Huwag nating kakalimutan na kapag pinabayaan natin ang isa sa atin, napabayaan na natin ang buong bansa,” aniya pa rin.
Tiniyak naman ng Pangulo sa publiko na mananatiling handa ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga filipino.
“Asahan naman ninyo na nandito lang ang pamahalaan bilang inyong takbuhan at sandalan,” anito.
Samantala, sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan ng gobyerno ang pagpapatupad ng price cap sa bigas.
“Abangan po natin ito,” anito.
Idinagdag pa niya na ang P20 rice program, na nagpapatuloy sa 177 local government units, ay maaaring mapalawig pa.
Patuloy naman aniyang mino-monitor ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, sabay sabing nananatiling matatag ang presyo.
“Sa awa naman ng Diyos, stable pa [ang mga presyo]at wala namang masyadong pag-abuso,” ang winika ng Pangulo.
Pagtiyak pa niya na walang sellers ang nakitang lumabag sa suggested retail prices sa kamakailan lamang na ginawa nilang market inspections.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake
