Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na walang halong pamumulitika ang pagtulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pinaslang na vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata.
Sa unang gabi ng lamay ni Lipata, personal na pumunta si Castro para ihayag ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng vlogger na kilalang supporter ng administrasyong Marcos.
“Pinaasikaso ‘yung airfare, everything, nang hindi ito nilimos. Hindi po kasi ang Pangulo tutulong para sa politika. Hindi po siya gano’n,” aniya, ayon sa Facebook video na ibinahagi ng N01 Entertainment.
“Hindi po siya pupunta sa lamay para magsuot ng jersey ng isang basketbolista. ‘Pag tulong talaga, tulong,” dagdag pa ni Castro.
Nagpaabot din siya ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng biktima, kabilang ang mensahe mula kay Pangulong Marcos at First Lady Marcos.
“Nakikiramay po ako. Taos-puso po ‘yung pakikiramay namin, mula rin po sa Pangulo,” sabi ni Castro. “At no’ng nalaman ito ni First Lady, sabi niya po, ano ang puwede nating itulong? Sabi ko, inaayos na po. Sabi niya, good.”
“Isasama niya po si Mima sa kanyang mga dasal, sabi po ni First Lady,” kuwento pa ni Castro.
Matatandaang nasawi si Lipata matapos pagbabarilin sa labas ng kanyang bahay sa Barangay 171, Caloocan City, noong Hulyo 17.
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward

