Sa kabila umano ng pangamba ng maraming mamamayan sa kapulisan, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagtapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) na panatilihin ang zero tolerance sa katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.
Sa kanyang keynote address sa ika-47 Commencement Exercises ng “Silang Paglaom” Class of 2026, binigyang-diin ni Marcos na bagaman tumataas ang kumpiyansa ng publiko sa kapulisan, dapat itong palakasin sa pamamagitan ng integridad at pananagutan.
“While the nation’s trust in the police force has climbed in these last years, there is still room for improvement,” ani Marcos. “Alam kong marami pa rin sa ating mga mamamayan ay may alinlangan sa kapulisan.”
Binigyang-diin ng pangulo sa mga kadete na walang puwang sa serbisyo ng pulisya ang korapsiyon at paglabag sa karapatang pantao.
“Our security is weakened when the hands sworn to protect are tainted. Kaya dapat baguhin natin ito,” paggiit pa ni Marcos.
Inatasan naman ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na tiyaking visible at disiplinado ang presensya sa mga komunidad, kasama ang pagpapalakas ng internal accountability.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

