“WALANG Lugar sa Metro Manila para sa Abusado at Walang Disiplinang Pulis”, Ito ang babala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) OIC Police Brigadier General Christopher Abrahano na walang lugar sa organisasyon sa mga pulis na umaabuso sa kanilang kapangyarihan, lumalabag sa batas na nakakasira sa dignidad at karapatan ng publiko.

Ang pahayag ni PBGen. Abrahano kasunod ng insidenteng sangkot ang isang police personnel na nakatalaga sa Caloocan City Police Station na nahaharap sa mga alegasyon ng harassment, catcalling, at panghihipo sa isang babae.

Nahaharap ang naturang pulis Caloocan sa administrative proceedings at inalis na sa kanyang puwesto .

Binigyang-diin ng Heneral, ang pagiging pulis ay may kaakibat na responsibilidad na protektahan ang publiko at hindi para manakot, mang-harass, o magdulot ng pangamba sa sinuman.

“Hindi natin kailangan ng pulis na siya mismo ang kinatatakutan ng publiko. ang pulis ay dapat tagapagtanggol,hindi nananakot o nangha-harass. any form of abuse, disrespect, or misconduct has no place in the NCRPO,” pahayag ni PBGen. Abrahano.

Ayon sa NCRPO chief, dapat magsilbing seryosong paalala ang insidente sa lahat ng police personnel na ang pagsusuot ng uniporme at pagkakaroon ng badge ay may kaakibat na mataas na pamantayan ng disiplina.

“I will be very clear: do not do bad things. Do not abuse your position. Do not take advantage of the uniform. If you violate the law or the rules, you will be held accountable,” ani NCRPO chief Abrahano.

Bilang bahagi ng operational roadmap, ng heneral kabilang sa pangunahing prayoridad ng NCRPO ang mahigpit na disiplina, pananagutan, at internal cleansing upang higit pang mapatatag ang organisasyon ng kapulisan.

Kaakibat nito ang kanyang strategic framework na pagbuo ng isang **“Maayos na Pulis”—**isang pulis na disiplinado, propesyonal, magalang, responsable, at karapat-dapat sa tiwala ng publiko.

Ayon pa sa NCRPO chief na alinsunod sa mga direktiba ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na paiigtingin ng NCRPO ang pagpapatupad ng mga internal disciplinary mechanisms at hindi kukunsintihin ang sinumang personnel na sumisira sa pangalan at reputasyon ng organisasyon dahil sa maling asal o misconduct.

Pinaalalahanan pa ng heneral ang mga commander at supervisor na gampanan ang kanilang responsibilidad sa disiplina sa kani-kanilang mga yunit at agarang aksyunan ang mga reklamo laban sa police personnel, alinsunod sa mga itinakdang proseso at due process.

“We will protect the integrity of the organization by holding our personnel accountable. The uniform is not a license to do whatever you want. It is a responsibility to serve, protect, and do what is right,” ani NCRPO PBGen. Abrahano. (Gina Garcia)

 
 
 
Share.
Exit mobile version