Mali ang mga pagbabagong ginawa ng mga mambabatas sa general appropriations act.
Ito ang iginiit ng legal counsel ng mga petitioner na si Atty. Jeeico Salenga sa oral arguments ng Korte Suprema ukol sa pambansang pondo.
“Binabago ang batas matapos itong maipasa.”
Ito ang punto ni Atty. Salenga, sa kanilang pagharap ng mga abogado ng gobyerno na kumukuwestyon sa isinabatas na pambansang pondo
Pangunahin dito ang pagturing sa mga nasa ilalim ng unprogrammed funds bilang programmed habang ginagawang unprogrammed ang mga idineklarang programmed na may malinaw na alokasyon na pondo.
Naglatag din ng mga argumento ang iba pang abogado para sa mga petitioner na kumukuwestyon din sa prosesong umiral sa pagsasabatas ng pambansang pondo.
Kasama na rito ang pagbabago ng bicameral conference committee sa national expenditure program na isinumite ng ehekutibo at una nang inaral at binago ng dalawang kapulungan ng kongreso
Sa pagsalang naman ni SolGen Darlene Marie Berberabe, kanyang ipinaliwanag ang pagpasa ng General Appropriations Act.
Ginamit rin niyang halimbawa ang pagpaplano ng budget sa isang pamilya para ipaliwanag ang proseso.
Tinawag niyang aspirational appropriations ang unprogrammed funds na nais maisagawa ng pamahalaan pero nakadepende kung may pondo na makukuha para dito.
Ang oral arguments ay para sa magkakahiwalay na petisyon laban sa national budget ng 2024 hanggang 2026.
Kabilang dito ang inihain ni yumaong Cong Edsel Lagman laban sa Kamara, dating Senador Koko Pimentel laban kay dating Exec Sec Lucas Bersamin at dating Budget Sec Amenah Pangandaman, Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement laban sa Kamara, at ang petisyon ni Cong Edgar Erice at Cong Leila De Lima kontra sa Senado.

Share.