Nakakumpiska ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit P2 bilyong halaga ng smuggled cigarettes sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2026.
Ayon sa PNP, nagsagawa sila ng 3,153 operasyon sa nasabing panahon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,187 indibidwal. Nakumpiska rin ang 246,085 pakete, 484,064 reams, at 9,961 master cases ng sigarilyo, pati na ang ilang manufacturing equipment.
Nanguna sa pinakamataas na halaga ng nakumpiskang kontrabando ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na umabot sa mahigit P690 milyon. Sinundan ito ng Police Regional Office 9 sa Zamboanga City na may higit P147 milyon, at Police Regional Office 4A sa Calabarzon na may higit P116 milyon.
Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., malaki ang epekto ng mga nasabat na kontrabando sa ekonomiya at patunay ito ng aktibong operasyon ng mga pulis sa field.
“These results show that our personnel on the ground are doing their job and doing it well,” aniya.
“Hindi lang yung nahuhuli sa operasyon kundi pati yung nasa likod nito, hahabulin namin. Mula pinanggagalingan hanggang sa distribusyon, titiyakin naming mapapanagot ang mga sangkot,” dagdag pa niya.
Trending
- Import ng TNT na si Bol Bol nagsanay na
- Maristella makikipagkumpetensiya sa ITF Asia 14&U Development
- Luke Mejares ‘di makabili dati ng corned beef
- For Sale: Bahay ni Pilita Corrales
- Hotel ni Pacquiao sa GenSan bukas na
- Lalaki may hawak na baril habang naglalakad, kulong
- 7 arestado sa illegal hair transplant clinic sa Makati
- 5 basag-kotse arestado sa hideout sa Bulacan
