Nag-anunsyo ang Office of the Vice President (OVP) ng mas flexible na work arrangements bilang tugon sa direktiba ng Malacañang na magpatupad ng energy conservation measures sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at tensyon sa Middle East.
Sa inilabas na advisory, ipatutupad ng OVP ang four-day onsite work at one-day work-from-home (WFH) setup.
Bukas ang OVP sa publiko mula Lunes hanggang Huwebes, 8 a.m. hanggang 5 p.m. Samantalang tuwing Biyernes, WFH ang mga empleyado, maliban sa Central Records Unit na mananatiling bukas para tumanggap ng dokumento.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng pansamantalang four-day work week sa mga tanggapan sa ilalim ng Executive branch simula Marso 9, 2026.
Kasabay nito, naglabas din ang Malacañang ng Memorandum Circular No. 114 na nag-uutos ng mahigpit na energy conservation measures upang mabawasan ang konsumo ng enerhiya ng gobyerno at mapababa ang gastos sa operasyon.
Ang hakbang ay bahagi ng mas malawak na pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng global oil price surge at patuloy na tensyon sa pandaigdigang merkado ng enerhiya.
Trending
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis
- Serbisyong pangkalusugan ng DOH, hatid sa OFWs
