Matapos ang matagal nang mga kuwentong nag-uugnay sa kanila, nagsalita na ang singer tungkol sa kung ano talaga ang namagitan sa kanilang dalawa.


Sa guesting ni Nyoy sa “Fast Talk with Boy Abunda,” hindi niya itinangging dumating sa puntong naging malapit sila ni Jennylyn at madalas pa raw itong manood ng kanyang mga shows.
“Jennylyn and I, during those times, there was a point in time when we really became close. She was watching my shows,” pag-amin ni Nyoy.
Dahil sa rebelasyong ito, nabuhay muli ang mga dating intriga tungkol sa dalawa, kabilang na ang tsikang nagselos umano si Mark Herras dahil sa closeness nina Nyoy at Jennylyn.

Pero tila ngayon lamang nalaman ni Nyoy ang tungkol sa naturang isyu.

“Wow, that’s intense. Ah, I didn’t know about that,” reaksiyon niya.

Mas naging intriguing ang usapan nang diretsahang linawin kung ano nga ba ang naging estado ng relasyon nila ni Jennylyn noon.

“There was no label,” sagot ni Nyoy.

Bagama’t walang naging opisyal na tawag sa kung ano man ang namagitan sa kanila, inamin niyang naging espesyal sa kanya ang aktres-singer at hindi niya itinangging may namuong closeness sa kanilang dalawa.

“What we had was what we had. It wasn’t—I mean, it was there. I was definitely very fond of her. But as I said, whatever we had before, it’s not for being safe, it didn’t have a label or anything. All I know is that we became very close before,” paglilinaw niya.

Kaya bagama’t hindi tinawag ni Nyoy na relasyon ang kanilang naging samahan, malinaw sa kanyang kuwento na naging malapit sila ni Jennylyn at naging fond siya rito—pero nanatiling walang label ang anumang namagitan sa kanila.

Ngayon married si Nyoy sa theater actress na si Mikkie Bradshaw, habang asawa naman ni Jennylyn ang aktor na si Dennis Trillo.
====

Share.