Nakilahok ang mahigit 1,700 na benepisyaryo sa National Housing Authority (NHA) People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-asa sa Tubigon Cultural Center, Tubigon, Bohol.
Bilang pagtalima sa utos ni NHA General Manager Joeben A. Tai na abutin ang bawat resettlement sites sa bansa, kabilang ang CHED, DOH, DICT, DOLE, PESO, DMW, DSWD, Pag-ibig HDMF, LTO, PAGCOR, PCSO, PNP, PSA, PAO, SSS, TESDA, OWWA, IBP-Bohol, Don Bosco Technical College- Cebu, GCash at Optique Master sa nagbigay ng kanilang serbisyo sa caravan.
Pinangunahan naman nina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Region 7 Regional Manager Engr. Hermes Jude Juntilo, at OIC Bohol District Office Genesis Manalili ang programa bilang kinatawan ni NHA GM Tai.
Samantala, ang susunod na Caravan ay gaganapin sa Union National High School Annex, Brgy. Union, Monkayo, Davao de Oro sa September 10, 2026.
Trending
- Ben Simmons, balik-NBA na matapos pumirma sa Sacramento Kings
- Armand Duplantis umatras sa paglahok sa Diamond League
- Jackie Gonzaga, nagluluksa sa pagpanaw ng ina
- Archie, ‘di daw nangmanyak
- Jose Mari Chan, nanawagan ng tulong
- Romualdez haharap sa Sandiganbayan
- NHA CARAVAN DINUMOG
- Ilegal na petrolyo, 5 dinampot
