Consistent si Archie Alemania sa pagsasabing never daw siyang nangmanyak kahit kelan.
Sa kabila ito ng guilty verdict sa kanya ng Bacoor Municipal Court noong October 2025.
Kaugnay ito ng kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela.
Iginigiit ni Archie na malinis ang kanyang kunsensya.
Ni minsan daw ay hindi nang-harass o nanamantala ang aktor.
Naging image lang daw ni Archie ‘yon base sa mga ginagampanan niyang karakter sa teleserye bilang “maniac.”
Magkaibang-magkaiba daw ito sa totoong buhay: “Hindi ako ‘yon…trabaho lang ‘yon!”
Hindi daw niya kayang gawin ang ipinaparatang sa kanya ni Rita–kahit daw noong nambababae siya.
Sumumpa pa si Archie na isinangkalan pa ang kanyang pamilya.
Trending
- Ben Simmons, balik-NBA na matapos pumirma sa Sacramento Kings
- Armand Duplantis umatras sa paglahok sa Diamond League
- Jackie Gonzaga, nagluluksa sa pagpanaw ng ina
- Archie, ‘di daw nangmanyak
- Jose Mari Chan, nanawagan ng tulong
- Romualdez haharap sa Sandiganbayan
- NHA CARAVAN DINUMOG
- Ilegal na petrolyo, 5 dinampot
