Dinepensahan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag ang paggamit ng NBI na P75 million “budol money” bilang marked money sa operasyon kaugnay ng pag-aresto sa grupo ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta.
Ito ay matapos kuwestiyunin ni dating Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang perang ginamit sa operasyon dahil freeze aniya ang account ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.
Ayon kay Matibag, karaniwang ginagamit na pamamaraan ng law enforcement agencies ang paggamit ng “marked money” o “budol money” sa mga entrapment operation.
Ipinaliwanag ni Matibag na tunay na pera lamang ang inilalagay sa ibabaw ng mga bundle habang ang natitirang bahagi ay binubuo ng mga dummy bills.
Inamin din ng NBI chief na walang inilabas na aktuwal na pera si Romualdez, bilang complainant sa extortion case laban kay Mabanta.
Trending
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”
- NBI, mag-a-apply ng cyber warrant
- Larawan ng 4 ‘bigtime’ most wanted sa Bulacan
- ‘Killer’ ng 14 sundalo, arestado sa Quirino

