Maraming inilahad na rebelasyon si Megan Young nang maging panauhin siya sa isang podcast.
Aniya, noong beauty queen days niya ay masasabing very competitive siya.
Hirit pa niya, lagi raw niyang nais i-achieve na maging top of her game.
Sa pagiging kontesera, importante raw ang pagiging ismarte para hindi napag-iiwanan.
Sa pagbabalik-tanaw niya, ibinahagi rin niya ang hindi niya makakalimutang karanasan kasama sina Pia Wurtzbach at isa pang beauty queen.
Ito raw iyong panahon na rumampa sila sa isang event abroad.
Naranasan daw nilang okrayin ang mga suot na barong ng mga dayuhan na para sa kanya ay isang embarrassing experience.
Isa raw naman sa hindi alam ng publiko sa kanya noong beauty queen pa siya ay ang pagiging gamer niya.
Sa ngayon, keber na lang daw siya kung sabihing adik siya sa gaming dahil sa totoo lang ay enjoy siya sa paglalaro.
Hirit pa niya, nakaranas din daw siya ng bashings noon.
Katunayan, may mga nag-akusa raw sa kanya na baog dahil natagalan bago sila nagkaroon ng baby ni Mikael Daez.
Choice raw nila noon ng kanyang hubby na i-defer ang planong magkaanak dahil naniniwala silang ang lahat ay mangyayari sa tamang panahon.
Sobrang thankful din siya sa mister dahil naging patient ito sa panahon ng kanyang pregnancy at maging sa panganganak na naging challenge sa kanya.
Para sa kanya, wala ring kapares na ligaya ang pagiging ina na, aniya, ay mas mahalaga pa sa anumang korona o titulo sa mundo.
Trending
- Rematch kay Mayweather ni Pacman, huli na?
- Pag-expand sa Seattle at Las Vegas, aprub
- Yeng Guiao pinuri ang Elasto Painters
- Jia de Guzman, naghain ng papuri para sa pagpapabuti ng kapakanan ng atleta
- Echo, magiging lolo na?
- Kris at Dong, may nilulutong raket
- Kim, kinabog sina Juday at Kathryn sa Primetime Queen title
- 2 Indian medical students huli sa ‘pautang’ scheme
