Patay ang 38-anyos na magsasaka matapos siyang atakihin ng kanyang pitong taong gulang na lalaking kalabaw sa Barangay Quiwi, Hinigaran, Negros Occidental noong Hulyo 30.
Kinilala ang magsasaka na si Ronald, 38-anyos.
Ayon sa pulisya, kumukuha ng tubig ang kanyang live-in partner nang makarinig ito ng sigaw at paghingi ng saklolo. Pagdating niya sa lugar, nakita niyang nakahandusay at sugatan ang biktima habang patuloy na inaatake ng kalabaw.
Tumulong ang mga kapitbahay upang mapakalma ang kalabaw na ginagamit ng biktima sa pagsasaka.
Dinala si Ronald sa ospital ngunit idineklarang patay ng mga doktor.
Trending
- Lookout order vs Leviste, iba pa hiniling ng NBI
- Campus attack sa Banga, planado ng attacker
- Pacquiao : May honorary doctorate mula PNU
- Netizens, pinuri si Echo sa pagiging gentleman at sweet
- Atasha, nag-flex ng abs
- Katherine, hindi na naiilang kay Coco!
- ASIA TOUR NI GABE TARDIO SA OPUS MALL DINAGSA
- Philippines Men’s at Women’s Teams wagi sa 46th Chess Olympiad

